Monday, February 8, 2010

"ANG KATOLIKO BA AY SUMASAMBA SA MGA IMAHE?"


Ang isang tao na nagmamasid lamang mula sa malayo ng pananampalatayang katoliko ay mabilis na nakapaghuhusga na ang katoliko ay sumasamba sa mga imahe. Marahil para sa iba, ang pagdadasal sa harapan ng isang larawan o rebulto ay hindi naiiba sa pagluhod ng mga pagano sa araw o buwan. Napakadaling sabihin na tayo ay walang personal na relasyon sa Diyos ama o kay Hesukristo sapagkat hindi naman nila nasisilayan ang tunay na nasa puso ng tao, isang bagay na Diyos lamang ang makatitimbang.

Ang kadalasan na pinanggagalingan ng kontrebersiya ay ang utos ng Panginoon sa Exodo 20:4 kung saan ipinagbabawal ang paglikha ng mga inukit na imahe na kahalintulad ng kahit anong nasa langit, nasa lupa o nasa tubig.

1.) IPINAGBAWAL NGA BA NG PANGINOON ANG PAGLIKHA NG MGA IMAHE?

Mga 5 kabanata matapos ang utos sa itaas, sinabihan ng Panginoon si Moises na gumawa ng isang imahe. Sa Exodo 25:17-20, inutusan ng Panginoon si Moises na gumawa ng dalawang anghel na ginto upang ilagay sa loob ng Tabernakulo kung saan sumasamba ang mga Israelita. Sinabi ba na sambahin ang mga ito? Hindi, malinaw na ito ay hindi ang Diyos na pinupuntahan sa Tabernakulo.

Sinasalungat ba ng Panginoon ang kanyang sarili? Pagkatapos niyang sabihin na bawal gumawa ng inukit na imahe ay nag-utos siya na gumawa nito? Imposible naman na kanyang salungatin ang kanyang sarili!

Marami pang pagkakataon sa Bibliya na nag-utos ang Panginoon na gumawa ng mga imahe. (Num 21:8-9), (1Chr. 28:18-19) at (Ezekiel 41:17-18). kung sisiyasatin ng maigi, hindi maaaring pakahulugan ang utos na huwag lumikha ng mga inukit na imahe na kahalintulad ng kahit anong nasa langit, nasa lupa o nasa tubig sa isang paraang literal. Kung ito ay pipilitin natin na pakahulugang literal, aba'y bawal din ang mga larawan natin. Kung bawal ang "kahit anong nasa langit, nasa lupa o nasa tubig", siguradong bawal din ang rebulto ni Rizal, ni Bonifacio at ni Ninoy!

Marahil hindi ang paggawa ng imahe ang ipinagbabawal.

2.) KUNG HINDI ANG PAGGAWA NG IMAHE ANG IPINAGBABAWAL NG PANGINOON, ALIN ANG HINDI NYA IPINAGBABAWAL?

Kung itutuloy ang kautusan sa Exodo 20:5 malinaw na ang ipinagbabawal ay ang pagluhod o pagsamba sa mga ito. Sapagkat ang Panginoon ay isang selosong Panginoon, hindi nya pinapayagan na magkaroon ng ibang Panginoon maliban sa kanya.

Ang Katoliko ba ay sumasamba sa mga imahe?

Malinaw sa turo ng katesismo, na ang mga larawan at rebulto ay isa lamang pagpapaalala sa atin ng mga wala na sa ating piling. Ito ay hindi naiiba sa ating paglalagay ng mga larawan ng ating mga mahal sa buhay sa lugar na atin silang laging maisasaisip. Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na natin nalalaman ang pagkakaiba ng tunay at ng imahe? Hindi, sapagkat sila ay tagapagpaalala lamang.

Ang mga larawan na ito ay nagsisilbing taga-udyok sa atin upang magnilay at manalangin. Halimbawa, ang larawan ng Poong Hesus na pasan ang krus, ay nagsisilbing tagapagpaalala ng mga hirap na pinagdaanan ni Hesus upang tubusin ang ating mga pagkakasala.

3.)HINDI BA PAGSAMBA SA IMAHE ANG PAGLUHOD AT PAGDADASAL SA HARAP NG MGA IMAHE?

Pagluhod, pagdasal at ang paborito ng Pinoy, pagbili ng sampaguita upang ialay sa mga poon. Ito ba ay pagluhod at pagsamba sa kanila tulad ng ipinagbabawal? Malinaw sa mga Katoliko na ang kanilang dinasalan at binibigyang galang ay hindi ang mga imahe kundi ang mga isinasalarawan nito.Ang akusasyon na ang katoliko ay sumasamba sa mga imahe ay nakasalalay lamang sa kuru-kuro na ang pananampalataya at ang pagtanaw sa mga imahe ay imposibleng magkasama, na tila walang kakayahan ang karaniwang tao na kilalanin ang pagkakaiba ng rebulto/larawan at ng katunayan. Ito ay malayo sa katotohanan. Maaring maging mataimtim ang relasyon ng isang tao sa buhay na Kristo na inilalarawan lamang ng mga bagay na nahahawakan.

PAALALA:

"Mahalaga ring pagnilayan bilang isang Katoliko kung ikaw nga ay nananampalataya sa imahe o hindi. Ang pagsisiyasat na ito ay makatutulong ng malaki sa ating paglago sa pananampalataya. Walang larawan o imahe,gaano man kagaling ang nagpinta o nag ukit ang makapaglalarawan ng buo sa kadakilaan ng Panginoon."

24 comments:

  1. Opo, tama ka po.. at bakit ba minamasama nang ibang Relihiyon ang paraan nateng mga Katoliko ng pagsamba?? Hindi bat sinasabi nga na meron tayong iba't-ibang paraan ng pagsamba,at....
    dapat igalang ang bawat paniniwala ng bawat relihiyon?? hmMp..

    ReplyDelete
  2. maraming salamat po sa pagpapaliwanag nyo.dahil ito talaga ang hinahanap kung kasagutan para sa tanong ng matalik kung kaibigan ng iniwan ang kanyang pagiging katoliko at sumanib sa ibang paniniwala.dahil ito ang tanong na di nya masagot at di man lang nya inanapan ng tamang kasagutan....muli..maraming salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang anuman, ganun talaga, dapat marunong din tayo sa ating pananampalataya, di lang tama na yung nagsisimba lang tayo, kundi dapat alam natin kung ano talaga ang ating pananampalataya. kung may ibang katanungan ka ipost mo lang dito para bigyan ko ng kasagutan,, thanks at God bless..

      Delete
  3. Still.. Di ko n kinikilala ang imahe ni kristo bilang Panginoon dahil meron din sa biblia natin na kilalanin natin ang Diyos bilang Espirito na walang anyo. kung ako nmn po ay mali eh pakitama po ito at lalo na po ang sinasabi sa biblia na di kinikilala ng diyos ang pagdarasal ng paulit-ulit at pag samba kay mama mary lalo pat walang nkasaad na sambahin sya sa biblia.

    ReplyDelete
    Replies
    1. una sa lahat,, hindi namin sinasamba si Inang Maria kundi ito ay aming iginagalang at pinaparangalan lang.. pangalawa.. kung natatandaan mo na ang ating panginoong Jesus ay nagkatawang tao sa pamamagitan ni maria kaya sya nagkaroon ng buto at laman at di na espiritu.. anywiez ginagalang ko kung ano ang pinaniniwalaan mo,

      Delete
  4. KUNG SI MARIA AY HINDI NIYO SINASAMBA, ANG SABI NYO IGINAGALANG LANG, EH ,BAKIT NYO NILULUHURAN AT DINADASALAN? HALIMBAWA; ANG NANAY O TATAY MO AY NAMATAY , PARA MAALALA MO NILAGAY MO ANG LITRATO NYA SA ALTAR O SAAN MANG LUGAR DAHIL NGA IGINAGALANG NATIN ANG ATING MGA MAGULANG , ITO BA'Y DINADASALAN, NILULUHURAN O TINITIRIKAN NYO NG KANDILA ? SABI NYO IGINAGALANG NYO SI MARIA!DAPAT LULUHURAN NYO RIN ANG LITRATO NG MAGULANG MO DAHIL IGINAGALANG NYO . OBVIOUS NAMAN KASI NA SINASAMBA NYO ANG REBULTO KAYA LANG GUMGAWA KAYO NG PAGIWAS O ESCAPE GOAT SA WIKANG INGLIS.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Katoliko kaba? King di mo alam kung ano ang totoo pls wag kanang makialam boy! Hindi ka Diyos para alam mo na ang lahat "wag kang humatol upang fi hatulan" yan tandaan mo

      Delete
  5. ,i think na-misunderstand nyo ung nakasaad sa kautusan. .ang pagka2intindi ko ay bwal gumawa o umukit ng imahe na luluhuran o sasambahin. .pwde naman cguro gumawa pero dapat wag luluhuran

    ReplyDelete
  6. Bakit ang catholic lahat na yata ginagawang tagapamagitan daw.. Bato,dingding ng bahay, puno basta may korteng imahe ni jesus.. Nauunawaan ko pa sana kung tagapamagitan lang.. Ang kaso nakakapag papagaling na halos sambahin na ng tao..
    Eto pa yung patay na hindi inaagnas, milagroso din.. Yun ba ang tagamagitan nyo kay jesus? syempre oo, kaya nga niluluhuran.. Pero sinasamba nrin pala ngayon.

    Bakit hindi nalang kaya yung patay ang ipalit nyo sa black nazaren nyo?
    d ba mas maganda pab yun!!!

    ReplyDelete
  7. Pati din yung santo papa nyong yumao na. diba may mga kasangkapan yun na ginamit? Tulad ng kutsara, baso, panyo tpos sabi nung priest nyo na nakakapag pagaling daw yun ng karamdaman..
    Tanong ko!
    Bakit ang dame paring namamatay na katoliko sa malubhang karamdaman?
    Bakit hindi nalang sila kumuha ng panyo at pinahid sa bgay na ginamit ng papa nyo, at pinahid sa may sakit para gumaling! Syempre kaya ayaw kasi di sila naniniwala, dahil kacnungalingan lang yun.. At kung meron namang nag pupunas di naman gumagaling.. marame din pa lang di naniniwala sa pare nyo, dameng kalokohan..

    ReplyDelete
  8. Ang Katoliko kac ay napakatagal ng naitatag, napakadami nading tradisyon ang lumipas na nasaksihan ng mga katoliko, 300AD,, kung naniniwala kayo sa pagpapakita ni Mama Mary ay isa kayo sa bilyong katoliko sa buong mundo na naniniwala na nagpakita sya sa ibat ibang anyo sa buong mundo,, Sobrang Naghari ang katoliko sa buong mundo dahil nadin sa matagal na itong matatag, makikita natin sa mga pangalan ng mga lugar gaya ng SAN JOSE, SAN FERNANDO, SAN MATEO, SANTA ROSA, SAN ISIDRO at marami pang santo.. ibig kong sabihin lahat ng ito ay nagpapatunay na ang Katoliko ay matatag at kahit kaylanman hindi ito malilipol sa pagkat madaming naniniwala... mag research kayo about sa katoliko about sa mga rebulto at biblia ang sasagot.. di ko kau masisisi sapagkat ngayon lang sumulpot ang inyong sekta....

    ReplyDelete
  9. hindi lahat ng pagluhod ay pagsamba mga kapatid..

    Ruth 2:10 - yumukod si ruth bilang pag galang.

    2 king 1:13 - naglumuhod ang mga israelita sa alagad ng Diyos. (ibig bang sabihin ang alagad ng Diyos na si Elijah ay Diyos din dahil sya ay niluhuran?) malinaw na hindi ito Diyos kundi tao lang.ngunit ito ay tanda ng paggalang.

    2 kings 4:37 - nagpatirapa ang babae sa harapan ni eliseo bilang pasasalamat..

    Josue 7: 6 - nagpatirapa si Josue sa harapan ng kaban ng tipan. (sa kaalaman ng lahat ang kaban ng tipan ay gawa sa acasia wood at dinekorasyunan ng dalawang estatwang kerubin.)

    1 kings 8:54 - nakaluhod si Solomon sa harapan ng Dambana ni Yaweh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh yung pag dadasal kay Maria imbis na kay Hesus?

      Delete
  10. Thank you po sa napaka linaw na paliwanag niyo po...tunay nga po itong naka tulong sa aking kaalaman bilang isang tunay na katoliko...

    #MOREpowerPO
    #GodBlessUs

    :)

    ReplyDelete
  11. Salamat po sa mga paliwanag nyo...God bless always

    ReplyDelete
  12. Exodus 20:3-5
    [3]Thou shalt have no other gods before me.
    Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
    [4]Thou shalt not make unto thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth:
    Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
    [5]Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me;
    Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
    Deuteronomy 5:8-9
    [8]Thou shalt not make thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the waters beneath the earth:
    Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
    [9]Thou shalt not bow down thyself unto them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me,
    Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;
    Isaiah 42:8
    [8]I am the LORD: that is my name: and my glory will I not give to another, neither my praise to graven images.
    Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
    John 4:23-24
    [23]But the hour cometh, and now is, when the true worshippers shall worship the Father in spirit and in truth: for the Father seeketh such to worship him.
    Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
    [24]God is a Spirit: and they that worship him must worship him in spirit and in truth.
    Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

    ReplyDelete
  13. Mark 7:7-8
    [7]Howbeit in vain do they worship me, teaching for doctrines the commandments of men.
    Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
    [8]For laying aside the commandment of God, ye hold the tradition of men, as the washing of pots and cups: and many other such like things ye do.
    Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.

    ReplyDelete
  14. Romans 1:21-25
    [21]Because that, when they knew God, they glorified him not as God, neither were thankful; but became vain in their imaginations, and their foolish heart was darkened.
    Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.
    [22]Professing themselves to be wise, they became fools,
    Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,
    [23]And changed the glory of the uncorruptible God into an image made like to corruptible man, and to birds, and fourfooted beasts, and creeping things.
    At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
    [24]Wherefore God also gave them up to uncleanness through the lusts of their own hearts, to dishonour their own bodies between themselves:
    Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:
    [25]Who changed the truth of God into a lie, and worshipped and served the creature more than the Creator, who is blessed for ever. Amen.
    Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

    ReplyDelete
  15. Acts 10:25-26
    [25]And as Peter was coming in, Cornelius met him, and fell down at his feet, and worshipped him.
    At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba.
    [26]But Peter took him up, saying, Stand up; I myself also am a man.
    Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.
    Acts 14:13-15
    [13]Then the priest of Jupiter, which was before their city, brought oxen and garlands unto the gates, and would have done sacrifice with the people.
    At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.
    [14]Which when the apostles, Barnabas and Paul, heard of, they rent their clothes, and ran in among the people, crying out,
    Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw,
    [15]And saying, Sirs, why do ye these things? We also are men of like passions with you, and preach unto you that ye should turn from these vanities unto the living God, which made heaven, and earth, and the sea, and all things that are therein:
    At nagsisipagsabi, Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:
    Revelation 19:10
    [10]And I fell at his feet to worship him. And he said unto me, See thou do it not: I am thy fellowservant, and of thy brethren that have the testimony of Jesus: worship God: for the testimony of Jesus is the spirit of prophecy.
    At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.
    Revelation 22:8-9
    [8]And I John saw these things, and heard them. And when I had heard and seen, I fell down to worship before the feet of the angel which shewed me these things.
    At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
    [9]Then saith he unto me, See thou do it not: for I am thy fellowservant, and of thy brethren the prophets, and of them which keep the sayings of this book: worship God.
    At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.

    ReplyDelete
  16. Kung ganoon po Sana po magpublic announcement kayo SA bagay na iyan dahil sa mga salon lahi ngayon bagaman Isa akong kristiyano madaming Tao na Ang inaakalang Ang rebolto ay Ang Diyos at nanduruon Ang Diyos. So suggestion kopo need ninyong I public announcement Ang bagay Nayan upang Hindi sila malito sa mga dapat gawin.! Katulad nalang no mama mary at NG mga apostols sa kanila na Ang karamihan nagdadasal imbis na Kay Cristo malaking problema Ang maliit para sa mga nakakaalam. Kelanganan nyo I public announcement Ang bagay Nayan.

    ReplyDelete
  17. At Tama bawal talaga Ang mga taong gawan NG image dahil para saan pa Alam ba natin Kung matuwid o masama sila sa paningin NG Diyos ginawa Lang natin Ang mga bagay na Ito dahil sakop Ito NG pamahalaan at Hindi NG relihiyon.

    ReplyDelete
  18. Ang masasabi ko Lang Po ay Walang Perpektong ReliHiyon .Ang importante ay ang Faith mo sa Panginoon. irespeto nalang natin ang bawat paniniwala ng isat isa Kung san ka Hiyang na relihiyon e DUN KA basta ba parehas lang na c JESUS ang sinasamba wala naman sinabi sa bibliya na dapat sa CATholic ka lang pumanib .at Palawakin nalang ang kaalaman tungkol sa mga Relihiyon .At magbasa nalang ng bibliya upang lumawak ang kaalaman wag lang umasa sa turo ng mga relihiyon dicover it yourself .seek and you will find the thruth .

    ReplyDelete