Sunday, August 30, 2009

"MAGSISI NA KAYO, MGA PROTESTANTE.."


Makikita sa pabalat ng Time Magazine. "Hail Mary" (Aba Birheng Maria). Matagal ng pinagpipitagan ng mga Katoliko si Maria, subalit ang mga Protestante ay nakakikita ng mga dahilan upang ipagdiwang ang Ina ni Jesus. Sinasabi ng manunulat na si David Van Biema sa kanyang mahabang artikulo ang ganito: "Naroon siya sa paanan ng krus. bibihirang talakayin ng mga Protestante ang tungkol sa Ina ni Jesus... subalit nababatid na nila ngayon". Sa loob ng 500 taon, binabatikos ng mga Kristiyanong nananagan lamang sa Bibliya si Inang Maria! pinararatangan ang mga Katoliko na "Sobra ang pagmamahal kay Maria." Itinuturing siyang balakid sa pagdarasal ng diretso sa Diyos. Subalit ngayon pinatunayan ni Van Biema na maraming mga Protestanteng Pastor mula sa mga Presbiteriano, sa mga Ebanghelikal at sa mga liberal na Protestante ang may personal na Debosyon kay Inang Maria. Ngayon, inilalagay na rin sa mga dingding ng mga paaralang Panteolohiya ng mga Protestante ang mga larawan ni Inang Maria.

1 comment:

  1. Mayroon akong napanood sa youtube...si Angelica Zambrano na nakarating sa langit at tinuro sa kanya ng Panginoong Hesus sina Abraham, David etc ganon din c Maria bilang Kanyang ina sa lupa. Sinabing walang nalalaman si Maria sa ginagawang pagsamba sa kanya ng mga tao. Katulad din sya nila Abraham na sumasamba sa Panginoong Hesus. Kaya kung totoong mananampalataya ka...kilala mo dapat ang sinasamba mo. Si Jesus---namatay, inilibing at muling nabuhay---kaya Siya ay Diyos na buhay. Si Maria---namatay, inilibing. Hindi sinabi sa bibliya na muli syang nabuhay. Kaya ang sumasamba sa kanya ay sumasamba sa patay!

    ReplyDelete