Sunday, August 30, 2009

"MAGSISI NA KAYO, MGA PROTESTANTE.."


Makikita sa pabalat ng Time Magazine. "Hail Mary" (Aba Birheng Maria). Matagal ng pinagpipitagan ng mga Katoliko si Maria, subalit ang mga Protestante ay nakakikita ng mga dahilan upang ipagdiwang ang Ina ni Jesus. Sinasabi ng manunulat na si David Van Biema sa kanyang mahabang artikulo ang ganito: "Naroon siya sa paanan ng krus. bibihirang talakayin ng mga Protestante ang tungkol sa Ina ni Jesus... subalit nababatid na nila ngayon". Sa loob ng 500 taon, binabatikos ng mga Kristiyanong nananagan lamang sa Bibliya si Inang Maria! pinararatangan ang mga Katoliko na "Sobra ang pagmamahal kay Maria." Itinuturing siyang balakid sa pagdarasal ng diretso sa Diyos. Subalit ngayon pinatunayan ni Van Biema na maraming mga Protestanteng Pastor mula sa mga Presbiteriano, sa mga Ebanghelikal at sa mga liberal na Protestante ang may personal na Debosyon kay Inang Maria. Ngayon, inilalagay na rin sa mga dingding ng mga paaralang Panteolohiya ng mga Protestante ang mga larawan ni Inang Maria.

Saturday, August 22, 2009

"GINAWA KO ITO UPANG MALAMAN NINYO..."

Marami ngayon sa ating mga kapatid na Katoliko ang nalilito sa kanilang pananampalatayang kinagisnan, yun ay dahil sa may mga bagong Simbahan ang nag-usbungan sa panahong ngayon, na may mga turong hindi Diyos si Jesus at kung anu-ano pang mga maling turo. Nais nilang buwagin ang Simbahang itinatag ng ating Panginoong Jesus ang Simbahang Katoliko, tinutuligsa nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga propaganda sa telebisyon na kung minsan nag-aaway away pa nga sila dahil sa kanilang pagkakaiba ng pinaniniwalaan. Alam nila na ang bawat salita sa Bibliya na may kinalaman sa pagkamuhi at pag-aaway, subalit salat sila sa kaalaman mula sa Bibliya tungkol sa Pag-ibig at Pagpapatawad sa isa't isa. Ibang-iba ang Ebanghelyong kanilang ipinangangaral sa Ebanghelyong kanilang isinasabuhay. "Tanging sa pag-aatake at pagtuligsa sa Simbahang Katoliko lamang sila nagkakasundo", tulad ng sinasabi sa Banal na Kasulatan nang dumating ang sandali ng pagpatay kay Jesus, "Nang araw ding iyon ay naging magkaibigan si Herodes at Pilato sa isa't-isa, sapagkat sila'y dating magkagalit."(Lc 23:12)

May mga dating Katoliko ang nagsasabi na "Hindi batay sa Bibliya ang pananampalatayang Katoliko, at kung totoo ang Simbahang Katoliko, bakit walang disiplina sa simbahang iyan? Bakit marami itong mga lumang kaugaliang walang kahulugan?" Naku! kung hindi natin kilala talaga ang Simbahang Katoliko, paano natin nasabing mali ito? Bawat bagay na napapansin natin na ginagawa nating mga Katoliko ay may mga kaukulang paliwanag, at ito'y Obligasyon nating alamin sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kaparian o sinumang taong may lubos na kaalaman tungkol sa ating pananampalatayang Katoliko, kung minsan naman ito ay ipinapaliwanag sa oras ng Banal na Misa, at tungkol naman sa sinabing walang disiplina at may mga lumang kaugalian, maaring tama sila pero tandaan natin na ang Simbahang ito ang unang nagbigay sa atin ng kaalaman tungkol sa Bibliya at kay Jesus. Tingnan mo may lola ako, matanda na siya , hindi siya kailanman nagsuot ng mga modernong damit at nais niyang panatilihin ang mga lumang kaugalian, muka siyang hindi maganda lalo na't pinakulubot ng katandaan niya ang kanyang mukha, subalit mahal ko siya, siya ang nangalaga sa akin ng buong pagmamahal. Kinilala natin sana na mas maige ang Simbahang Katoliko bago ito iniwanan.

"BAKIT NGA BA INIIWANAN NG MGA KATOLIKO ANG KANILANG PANANAMPALATAYA?"

Dalawa ang pangunahing dahilan: (1) Kawalan ng disiplina na nakikita nila sa Simbahan - Dahil narin sa karamihan ng kasapi nito. (2) Kamangmangan - Marami ang gumagawa ng mga tradisyonal na kaugaliang Katoliko na hindi alam kung bakit nila ato ginagawa. Naging patabang lupa ito kung saan inihahasik at yumayabong ang mga bagay laban sa Katoliko. Isang bagay lamang ang tanging nais nating itanong sa ating Panginoong Jesus, "Mali ba ang pananampalatayang ipinangangaral namin? hindi mo ba ito sinusoportahan Jesus..." At isang bagay lamang din ang papasok sa ating isipan habang itinatanong ito. " Alam ng Diyos kung paano niya aakayin ang kanyang Simbahan..."

Friday, August 21, 2009

"ANG BANAL NA KATOLIKO ROMANO AT APOSTOLIKONG SIMBAHAN"


Itinatag ni Jesus ang simbahang ito noong AD 33 sa Jerusalem sa ibabaw ng "bato", si Pedro. Ito ang simbahang bumuo ng bibliya! Ang iba pang mga simbahan ay gawa lamang ng tao nang kanilang bigyan ng maling kahulugan ang bib,liyang iyon. Ang pagtanggap lamang sa pangungulo ni Pedro na malinaw na itinuturo ng bibliya, ang natatanging daan upang maiwasan ang mga kalituhan at pagsasalungatan sa kristiyanismo. Ito ang tanging simbahang may totoong apostolikong paghahalili na may kasapi na nasa lahat ng sulok ng mundo, ito ang tiyak na daan sa inyong kaligtasan! Halinang lumapit sa simbahang itinatag ni Jesus kung saan totoong nananahan siya sa Banal na Eukaristiya.

Thursday, August 20, 2009

"ANG PANGALANG KATOLIKO"

Para sa mga hindi lubos na nauunawaan ang pangalang katoliko, narito ang ilang paliwanag upang lubusang maunawaan ito.


Sa pagtanggap ng sinaunang simbahan sa pagiging pangunahin ni Pedro, tinangap din nila ang kahalagahan ng simbahan sa Roma. Isinulat ni San Pedro sa Roma 1:8 "Una, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo tungkol sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay ipinahahayag sa buong daigdig." Ang orihinal na Griyegong salitang ginagamit para sa "ipinahayag sa buong" ay Kata, at kasama nito ang pang uring Holos na ang ibig sabihin ay pangkalahatang simbahan.


Mas matanda pa ang salitang "Katoliko" kaysa sa salitang Bibliya. Upang ipaliwanag ang kalikasan, misyon at pananaw ng simbahan noong 110 AD, ginamit ni Ignacio ng Antioquia, isang obispo ng sinaunang simbahan, ang salitang Katholikos (Griyego ng Pangkalahatan".) "Kung saan naroon ang obispo, kung saan natitipon ang sambayanan, naroroon si Kristo."

MAY PAG ASA PA KAYA?




Isa ang Romano Katoliko sa kinikilalang relihiyon sa buong mundo. Ito ang nag iisang simbahan na itinatag ng ating Panginoong Hesukristo, ngunit sa kabila ng hindi pagkakaunawaan sa banal na kasulatan, marami ang nagtayo ng kani-kanilang sekta o grupo ng mananampalataya na ang sinasabing sila ang tunay na simbahan at sila lang ang mangaliligtas sa pagdating ng katapusan ng mundo, hindi ba't nakalilito? Tayong lahat ay kristiyano, kristiyanong mayroong maraming samahan ng mananampalataya na kung saan ay magkakaiba ng pinaniniwalaan. Mayroon tuloy isang katanungan ang naiiwan sa aking isipan, ito ay yung "Magkakaisa pa kaya ang lahat na mananamplataya sa kabila ng pagkaka iba ng pinaniniwalaan?"